Huwebes, Setyembre 3, 2015

PAPANIMULA/KALIGIRAN





     Malaki ang ambag ng Indie film sa wikang Filipino, dahil tinuklas ng at binusisi ng mga Indie film ang maraming realidad na tinago ng pelikulang komersyal, nabuksan din nito ang mga salota na kaugnay ng mga realidad na iyon, at gayo'y napayaman ang wikang Filipino.

     Ito ang nagtulak sa aming magaaral upang buksan ang isyu o usaping pangwikang natukoy gawan ng adbokasiya ay sa Wika sa Media. Magbibigay kami ng mga malolohikang pangungusap ukol sa aming napiling isyu upang maging epektibo ang aming adbokasiya na nais naming mailahad ng maayos at malinis. 


MUNGKAHING TITULO O PANGALAN NG GAWAIN




Indie Film: Kakaibang ambag sa Wikang Filipino.

Napili namg mag-aaral ang titulong "Indie Film: Kakaibang ambag sa Wikang Filipino", upang matuklasan at malaman ang kakaibang ambag Media sa Wikang Filipino at paano nito napayaman ang wika.


RASYUNAL, MITHIIN AT MGA LAYUNIN







Naisip naming magaaral na maghanap ng paksa na di gaano napapansin ngunit mayroong taglay na kontribusyon para sa media ng  wikang Filipino. Nararapat na silay mabigyan ng pansin dahil puro nalang mainstream films ang nabibigyang pansin at laging kwentuhan ng masa. Kailangang makita rin ng masa ang kahalagahan ng ambag ng mga indie film sa ating media.


Nais naming maipakita ang mga kakaibang kontribusyon, at kahalagahan  ng mga indie film sa media ng Filipino. Gusto rin naming mas lumaganap o sumikat pa ang mga ito dahil ang bawat pelikula nito ay may magandang mensahe na gustong ihatid para sa mga manunuod nito.


Nais ng aming grupo na mailahad ng ayos ang mga makabuluhang impormasyon ng aming paksa. Ito ay makakatulong sa mga pinoy na mabigyan sila ng magandang perspektibo sa mga Indie film na magreresulta ng pagka-laganap pa ng mga pelikukang ganito. Malalaman nila na hindi lang mainstream films ang pinagtutuunan ng oras para mapanood. Makikita nila ang hubad na katotohanan sa buhay na nais iparating ng mga indie film na hindi makikita sa halos lahat ng mainstream film. Malalaman din dito ang iba pang kontribusyon nito sa Filipino na hindi napapansin o hindi pa alam ng mga pinoy.















DISENYO NG PROYEKTO: ADBOKASIYA


            Malaki ang naitutulong ng Indie Film sa ating wika Filipino gayon narin sa media. Masasabing naming mga mag-aaral na nakakatulong ito sa pagpapayaman ng ating wika, sapagkat mas napapayabong at napapahalagahan nating mga Pilipino ang ating sariling wika. Hindi lamang ito, nakakatuklas at napagyayabong din natin ang ating bokabularyo.

            Alam naman natin na ang Indie Films ay ipinalalabas sa iba't-ibang bansa hindi lamang rito sa atin, na isa sa mga dahilan upang ang ating wika ay lumaganap o maibahagi sa iba't-ibang lahi. At lingid rin sa ating kaalaman na ang karamihan sa Indie Films ay nagtutuon sa mga nangyayari sa bansa, ilan dito ay ang korupsyon, kahirapan, pangaabuso sa kapwa at pang-aapi.
     Nariyan ang mga salitang balbal o slang o idiolect na galing sa mga grupo o komunidad na hindi bahagi ng karamihn at kalakaran. Malaki din ang iyayayman ng wikang Filipino kung tatanggapin niya ang mga salita mula sa rehiyunal na wika na ginawang popular ng mga titulo ng pelikulang rehiyunal halimbawa na lamang nito ay "Ang Damgo ni Elueteria" (Ang pangarap ni Eluetira) at marami pang iba.

       
          Itong tatlong litrato na makikita sa ibabaw ay mga halimbawa ng mga poster ng pelikulang indie film.  Pinapakita nito ang titulo ng poster na kung saan ay pag-iikutan ng istorya nito. Maglalagay din kami ng maikling video para sa aming blog.
















BENEPISYO AT INAASAHANG RESULTA


Maraming Benepisyo ang maiibigay sa atin ng “indie Film”.At ang mga benepisyo  ng “indie film” ay  mas Nauunawaan nating mga Pilipino ang mga bagay na mga nangyayari sa ating kapwa tao , kung ano ang mga posibleng ngyayari din sa iba . pangalwa ay Natatalakay ang mga isyung panlipunan , estetiko at etikal  na gumigiyagis ng isang “indie film”. Dahil rin dito ay makikilala natin ang pakakaiba ng indie film bilang isang sining at bilang isang aliwan.bukod dito matutuklasan natin at ating masusuri ang mga katangian ng mga Filipino gumawa ng pelikulang mga indie film habang napahahalagahan nila ang kultura , gawi at mga kaugaling nilalaman ng kwento sa  indie film. At higit sa lahat tayung mga Pilipino ay makalilinang ng kakayahan sa pagsasalita at pagsulat sa pamamagitan ng pagsusuri at kritisismo na gumagamit ng mga tanging bokabularyo sa larangan ng indie film.
Inaasahan naming mga magaaral na maraming mga Pilipino ang matulungan sa pamamagitan ng isang indie film. Inaasahan naming mabigyan nmin ng karagdagang kaalaman ang ibang Pilipino sa ibat ibang bokubalaryo na maaring gamitin sa indie film. At makalinang ng karagdagang kakayanan sa pagsusulat at pagsasalita.