Huwebes, Setyembre 3, 2015

RASYUNAL, MITHIIN AT MGA LAYUNIN







Naisip naming magaaral na maghanap ng paksa na di gaano napapansin ngunit mayroong taglay na kontribusyon para sa media ng  wikang Filipino. Nararapat na silay mabigyan ng pansin dahil puro nalang mainstream films ang nabibigyang pansin at laging kwentuhan ng masa. Kailangang makita rin ng masa ang kahalagahan ng ambag ng mga indie film sa ating media.


Nais naming maipakita ang mga kakaibang kontribusyon, at kahalagahan  ng mga indie film sa media ng Filipino. Gusto rin naming mas lumaganap o sumikat pa ang mga ito dahil ang bawat pelikula nito ay may magandang mensahe na gustong ihatid para sa mga manunuod nito.


Nais ng aming grupo na mailahad ng ayos ang mga makabuluhang impormasyon ng aming paksa. Ito ay makakatulong sa mga pinoy na mabigyan sila ng magandang perspektibo sa mga Indie film na magreresulta ng pagka-laganap pa ng mga pelikukang ganito. Malalaman nila na hindi lang mainstream films ang pinagtutuunan ng oras para mapanood. Makikita nila ang hubad na katotohanan sa buhay na nais iparating ng mga indie film na hindi makikita sa halos lahat ng mainstream film. Malalaman din dito ang iba pang kontribusyon nito sa Filipino na hindi napapansin o hindi pa alam ng mga pinoy.















Walang komento:

Mag-post ng isang Komento